Sunday, January 20, 2019

Panghuhuli ng LTO at HPG pina-igting sa Lanao del Norte


TUBOD Lanao del Norte - Mas palalakasin at paiigtingin pa ng Land Transportation Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG) Lanao del Norte ang kanilang panghuhuli sa daan laban sa mga nagmamaneho na walang mga lisensya at mga sasakyan na walang mga rehistro ngayung taong 2019.

Ayon kay LTO Tubod District Office head Malic Sultan,na palalakasin pa nila ang mga road operation para maiwasan ang mga disgrasya sa daan na kalimitan sangkot ang mga kabataan lalo na umano ang mga studyante.

Sunod sunod umano silang magsasagawa ng mga road operation sa mga pangunahing daanan sa probinsya para mahuli ang mga colorum,drivers na walang lisensya at mga sasakyang walang mga rehistro.

Magsasagawa din sila ng isang forum sa mga malalaking paaralan para maipaliwanag sa mga kabataan/studyante ang mga batas trapiko at ang mga penalty kung sila ay mahuli.


Ayun naman kay HPG Tubod Lanao del Norte head Lucman Paca,na araw arawin na nila ang pagpanghuli lalo na sa kanilang checkpoint sa may Tubod at sa iba pang lugar sa probinsya.Kinukumpiska din nila ang mga L.E.D lights na nakakabit sa mga motor at sasakyan na labag umano sa batas.(Mike Navarro)




No comments:

Post a Comment

Latest News

Popular Posts

MINDANAO PAGADIAN FRONTLINE