Monday, May 25, 2020

Mensahe ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Al Haj Murad Ebrahim sa selebrasyon ng Eid'l Fitr



 Bismillahir Rahmanir Raheem
Assalamu Alaykum Wa Rahmahtullahi Taala Wa Barakatuh


Ang Bangsamoro Government ay nakikiisa sa Muslim ummah sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr sa taong ito.

Dahil sa ating taimtim na pananampalataya, ang mga Muslim sa buong mundo ay malugod na sinalubong ang buwan ng Ramadhan sa kabila ng pandemyang Covid-19 na ating nararanasan ngayon.

Hindi naging madali ang pagbabago mula sa ating nakasanayang mga gawain.
Kung dati-rati ay sabay tayong nagdarasal ng taraweeh sa masjid at nagpapakain ng iftar sa ating mga komunidad, ngayon ay naging limitado ang ating mga gawain. Ngunit, bilang mga Muslim kailangan natin maging matatag sa bawat pagsubok ng Allah (SWT). Alhamdulillah! Nagawa nating malampasan ang lahat nito sa buwan ng pag-aayuno.

Ang Bangsamoro Government, sa pamamagitan ng Bangsamoro Inter-Agency Task Force, ay siniguro na ang ating pagdiriwang ng Ramadhan ay hindi maapektuhan ng krisis na dulot ng pandemyang Covid-19.

Naihatid natin ang mga ayuda at tulong-pinansyal sa buong rehiyon kaagapay ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang masiguro na ang bawat pamilya ng Bangsamoro ay nakatanggap ng basic needs habang kasalukuyang ginagawa ang ating health facilities.

Ang Bangsamoro Government ay patuloy na maghahatid ng serbisyo sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng krisis.

Sa totoo lang, marami pa tayong pagdadaanang pagsubok, ngunit tulad ng mga magagandang asal na dala ng mapagpalang Ramadhan, sa pamamagitan ng sab’r (patience) at tawwakal o tiwala sa Allah Subhanahu Wata’ala ay malalagpasan natin ang krisis na ito at makapagsimula muli. In shaa Allah.

Ngayon, kailangan nating magkaisa at magtulungan tungo sa pagbuo ng mas matatag na Bangsamoro region na nakaangkla sa isinusulong na moral governance.

Eid'l Fitr Al-Mubarak!
Shukran and Wassalam.

No comments:

Post a Comment

Latest News

Popular Posts

MINDANAO PAGADIAN FRONTLINE