Feature story:
By Becky D. de Asis
District Engineer Ajan S. Ajijul |
Maraming taon ang nakalipas at samo't saring artikulo hinggil sa gulo at giyera sa lupaing ito ng Sulu puro patayan at giyera lamang ang nakalathala sa bawat pahayagan, maging local man at national.
Ang kaguluhan dito tila wala ng katapusan, maging ang pag aaral ng mga
bata at ekonomiya ay tila wala ng pag
aangat at apektado na sa gulong ito.
Hindi naman lingid sa lahat ang mga balitang nakakaantig ng puso at
nakakabahala sa kinabukasan ng mga bagong sibol na hinirasyon, na tila wala ng
magandang kinabukasan na siyang sisibol
sa lupaing ito ng Sulu.
Bagamat ang mga malalaking politiko, grupo ng mga ibat ibang relihiyon at gobeyerno ay nag uudyok na magkaisa para maituwid at mabago ang sistemang kinagisnan ng mga tagarito, pero minsan bigo sila dahil tila wala ng pag asa pang maituwid ang mga kaaway ng lipunan, ang grupo ng Abussayaf na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa kanilang paghahasik ng kasamaan.
Gayunpaman , ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagpapatuloy sa paglipol sa
mga kaaway ng gobyerno lalong lalo na
ang mga teroristang Abussayaf na kamakailan lang ay kumikitil ng maraming buhay
sa pamamagitan ng pagbobomba sa ating mga kasundaluhan at sibilyan sa public
plaza ng Jolo.
Sa kabila ng kaguluhan, ang ating mga enhenyero o engineer mula sa 1st Engineering Office ng Ministry of Public Works ng Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao na pinangunahan ni District Engineer Ajan S. Ajijul at ang buong manggagawa ng ahensiya ay hindi nagpapatinag sa pagtulong at pagawa ng maraming proyekto na makatulong sa mga taong sinalanta ng giyera at iba pang kahirapan na minsan nauudyok ng kasamaan para lamang mabuhay.
Ang Enhenyero na si Ajan S. Ajijul na kamakailan lang ay nagging full
pledged District Engineer na, mula
maintenance department at nagging OIC-District Engineer ngayon isang
Full Pledged District Engineer na.
Pero itong si Engineer Ajan S. Ajijul ay porsigidong maipatupad ang mga
proyekto na nag uugnay sa kawalan at para sa bagong pag asa ng mga mamamayan nga naniniwala pa
rin gobeyerno.
Ang Ist engineering District ng Sulu ay gumagawa ng mga kalsada mula
sentro ng Jolo hanggang sa dulo na pinagpugaran ng mga teroristang o Abussayaf na walang
kinatakutan. Nais lamang ng gobeyerno ng BARMM at sa tulong ng Presidente ng
Pilipinas na si Pres. Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng bagong pag asa ang mga
taga Sulu at maitaboy ang mga terorista at ang nais na bumalik sa gobeyerno ay
mabigyan ng patas na batas at pamumuhay.
Maraming Farm to Market roads ang naitaapos gawin ng mga enhenyero
ng 1st Engineering District na siyang gabay para maibsan ang kahirapan para maibalik ang ekonomiya ng Sulu at mamuhay ng sapat.
May mga mosque o
simbahan na rin ang itinayo ng BARMM government para na rin sa pag respito sa mga nanampalataya.
Matiwasay na rin ang paglipad ng mga eroplano sa Jolo airport dahil sa
ginawang mga proyekto o bakod na inayos ng mga enhenyero para maiwasan ang disgrasya at proteksiyon na rin sa mga pasahero at mga mamayan.
Ang daungan ng mga barko ay nagging maayos at secure na dahil sa mga
proyekto na ginawa ng 1st Engineering District na nagging dahilan at dumadami
na ang mga barter traders na bumiyahe at
lumagak ng kanilang mga capital para mag negosyo dito sa Jolo.
Maraming proyekto ang maipapatupad ng ating gobyerno kung ang bawat tagapagpatupad ay sinsero at maka Tao.
Napakagandang adhikain, tiwala at sinsiro and naging sandata sa isang taong gustong
tumulong para sa ikauunlad ng kanilang sariling bayan. (By Becky D. De Asis)
No comments:
Post a Comment