Tuesday, July 5, 2016

116 na drug user/pusher ang sumuko sa Basilan police

Isabela Basilan - Dahil sa takot sa kampanya sa bagong administrasyon ni Pres.Rodrigo Duterte na gyera kontra druga,boluntaryong sumuko sa PNP sa probinsya ng Basilan ang mga gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot


Ayon sa kapulisan,umabot sa 98 ang mga gumagamit at 18 ang nagbiibinta ang buluntaryong sumuko sa mga tanggapan ng PNP sa nabanggit na Probinsya.

Ikinatuwa naman ito ng mga opisyal ng Probinsya at nanawagan sa mga drug users, pushers at druglords  na sumuko na habang may oras pa.

Samantala,  mas lalo pang pinaigting ni PSSupt..Oscar Nantes, Provincial Director ng PNP Basilan ang kampanya  na Double Barrel at oplan TOKHANG ay mabilis nilang na implementa ayon sa utos ni PNP Chief Ronald “Bato”  Delarosa . at nanawagan ang mga kapulisan sa lahat na sumuko na ng maayos para mabigyan ng kaukulang solusyon ng gobyerno.

Ayon kay Nantes apat pa lamang na munisipalidad ang nag submita ng mga sumoko na mga drug dependent. Ang Isabela, Maluso, Lamitan at Tuburan.

Pina-igting ni Nantes ang kompanya kontra droga sa kanya probinsiya ayon sa mandato ni Presidente Duterte. (by: Mike Navarro and Becky D. de Asis/the redline news)


No comments:

Post a Comment

Latest News

Popular Posts

MINDANAO PAGADIAN FRONTLINE