Sa simula pa lamang, ang probinsiya ng Sulu ang pinaka magulong lugar ng buong Mindanao. Giyera dito, giyera doon. Kidnaping dito, kidnapping doon, halos dito na lahat ang kagululuhan mula pa sa panahon ni President Ferdinand Marcos hangga’t inilunsad ang martial law noong 1972at hanggang ngayon na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang bagong Presidente.
Kahit anu pa man na kaguluhan, ang mga kasundaluhan ng
Pilipinas na itinalaga dito sa nabanggit na probinsiya at halos dito na inaalay ang kanilang buhay ay
hindi nagpapaawat sa paglikha ng isang pangkabuhayan, para sa lahat. Pwede’ng
maging alternatibo ng ating mga sundalo bilang pandagdag kabuhayan ng kanilang pamilya.
Si Colonel Mars Gayat and dating Batallion Commander ng 35th army ay wala siyang ibang hangarin kundi mapabuti ang kalagayan ng mga SUNDALO dito. Kaya pinilit niyang inilunsad ang isang sardinas na minsan ayaw na niya'ng tikman at tingnan, dahil ito'y naging isang pambansang ulam na ng mga sundalo sa buong Pilipinas mula noon hangang ngayon, sabi niya.
Nagkaroon siya ng isang ideya tungkol sa sardinas, isang Spanish sardines ang kanyang inilunsad at itnuro sa mga kasundaluhan pag walang operation at trabaho sa bundok.
Ang Spanish sardines ay magkaiba ng kunti, sa supply nilang sardinas at kinakain araw-araw. Ito’y iniluto lamang sa corn oil, lagyan ng kunting pamenta, carrots at hurray!, "Spanish sardines na", napakasarap at super malinamnam pa. Napakadaling lutuin at napakamura pa ng isdang tamban dito sa Sulu.
(Mga kasundaluhan ng 35th IB, PA ang nangunguna sa pagawa ng camp-made sardines) |
Ayon pa kay Colonel Gayat nakagawa na siya ng mahigit 4,000 ka bote ng Spanish sardines at ito ay nakakahalaga lamang ng P60/bottle.
Isang malaking tulong ito ng ating mga kasundaluhan ang pagawa ng sardinas at stress removal pa at kumikita ka pa, sabi niya.
Balak ni Colonel Gayat na ituturo ito sa mga CAFGU at kahit sa ibang
grupo, na gustong matuto at pandagdag kita at pangkabuhayan. (by: Becky D. De Asis/theredlinenews)
No comments:
Post a Comment