Sunday, July 17, 2016

Labanan sa ASG at ika-14 Anibersaryo ng 35th Infantry Battalion pinagsabay

Jolo, Sulu – Ang 35th Infantry Battalion ng Philippine Army ng  Patikul, Sulu ay inilunsad  ang isang blood-letting ceremony,  friendship games at peace forum’s para sa taga - rito para sa Ika labing-apat o (14 years )  anibersayo  ng battalion ngayon'g  July 16, 2016.

Ayon kay Cpt. Domingo Reyes, Jr, Civil Relation officer ng nasabing batalyon ng Philippine Army,  ito daw ay isang tugon para manatili ang kapayapaan at makakaroon ng isang panibagong pag -asa para sa mga sumusunod ng henerasyon, sabi ni Reyes.

“Kahit nagkaroon ng sagupaan sa nasabing lugar mula inilunsad ang “all out war against ASG”, naging mapayapa naman ang buong bayan  ng Patikul kasama ang mga local government unit at mga barangay officials sa pag buklod-buklod at pagbuo ng isang “peace forum” kamakailan lamang para itugon ang mga problema at agad ma solusyunan”, dagdag pa ni Reyes.
May Apat na po't  Apat  o 47 ka mga kasundaluhan ang nabigyan ng promosyon ng nasabing batalyon dahil sa napakagandang  performance nito mula sila ay nag umpisa’ng mag serbisyo bilang isang magiting na sundalo. “ Pinasiyahan naman sila ng kanilang Batallion Commander na si Col. Villanueva”, at tinatawag na maging kuya na kayo at “be a good brother” sa mga nakakabata sa inyo sa serbisyo”, sabi ni Villanueva nang siya’y nagbigay ng medalya at papuri sa mga na promote na mga kasundaluhan noong isang lingo.

Gayun paman, patuloy ang paglunsad ng giyera laban sa mga bandido hanggan ngayon, may higit 19 na Bandido ang namatay sa mahigit  na dalawang linggo’ng saggupaan, at isang sundalo lamang ang kumpirmadong namatay ayon kay Cpt. Reyes ng 35th Infany Battalion ng Philippine Army at hindi sinabi kung ilan ang sugatan sa dalawang hanay. (by: Becky D. de Asis/theredlinenews)

No comments:

Post a Comment

Latest News

Popular Posts

MINDANAO PAGADIAN FRONTLINE